STO. TOMAS, Batangas - Idineklara nang ligtas ang Sto. Tomas Municipal Hall matapos makuha ang isang pampasabog na natagpuan sa hinuhukay na kanal noong Sabado.

Nasa kostudiya ng Regional Bomb Squad-Batangas Team ang isang 37mm HE explosive na nahukay ni Ian Manalo, 31 anyos, construction worker.

Ayon sa report ng grupo ni PO3 Joel Basas, dakong 3:50 ng hapon nang matagpuan ng grupo ni Manalo ang pampasabog mula sa hinuhukay na kanal sa likod ng munisipyo sa Barangay Poblacion.
National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino