ISA sa sinasabing sisikat ngayong 2015 ang PBB finalist na si Manolo Pedrosa. Maraming kabataan ang giliw na giliw ngayon sa baguhang aktor. Siya ang dream boyfriend ngayon ng maraming girls na kaedad niya.

Pero hindi pagkaroon ng girlfriend ang priority ni Manolo, na umamin pang never siyang nagkaroon ng kasintahan.

“Totoo po. Mamatay man. I never had anyone. Wala pa ako naging girlfriend since birth. Ako po kasi, sa tingin ko, matagal bago ako ako ma-in love, eh,” napangiting banggit ng baguhang aktor.

Masayahin ang gusto niyang maging kasintahan, if ever.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Siguro, after a long time of knowing her saka lang ako puwedeng ma-in love. Basta ang gusto ko po ‘yung masayahin, laging naka-smile, parang ako,” sey pa niya.

Siyempre, dapat ay mabait din at playful at may oras para sa kanya ang girlfriend niya. Hindi importante kay Manolo kung first time din niyang karelasyon ang magiging kasintahan.

“It doesn’t matter naman kung ako ang first boyfriend niya o hindi. Pero ako po, mas gusto ko ‘yung mas matanda ng konti sa akin. Mga 24?” say pa ng pinangaralang Best Male Newcomer ng PMPC Star Awards for TV.

Simula nang maging popular, hindi naiiwasang may mga nagpaparamdam sa kanya. Pero hindi niya sineseryoso ang mga ito.

“I learned naman how to say no po sa kanila. Pero honestly po, wala naman pong masyadong nag-a-approach na girls sa akin or nag-i-invite,” banggit pa niya.

Busy ngayon si Manolo sa bagong teleserye ng Dos na Oh My G kasama ang isa rin sa mga crush niyang si Janella Salvador.

“Sobrang excited po ako kasi first time na isa ako sa mga lead. But at the same time, sobrang pressured din po ako sa teleserye at may time na sobrang natatakot na po ako. Pinipilit ko na lang isipin na okey lang, kasi wala pang taping, pero kinakabahan po talaga ako. Sobrang napi-pressure po talaga ako,” banggit pa ng alaga ni Katotong Jun Reyes.