ISANG makabuluhang usapan tungkol sa kalusugan ang mapapanood ngayong Sabado ng umaga sa Pinoy MD sa GMA-7.

Karaniwang ginagamit ang luya na pantanggal ng lansa sa mga ulam pero maraming hindi nakaalam na nakapagbibigay din ito ng panandaliang ginhawa sa iba’t ibang sakit o pananakit ng katawan tulad na lang ng pagpahid sa nanunuyong balat, mabahong paa at masakit na kasu-kasuan. Abangan sa Pinoy MD ang benipisyong dulot nito at ang iba pang paraan ng paggamit ng luya.

Tampok din sa episode ngayong umaga ang mga babaeng may polycystic ovary syndrome o PCOS o nakararanas ng hindi regular na regla kaya’t hirap silang magbuntis. Ang kababaihang may PCOS ay mas hirap din na magpapayat at kadalasang mas oily ang balat na nagreresulta sa mga tighiyawat. Alamin sa Pinoy MD ang ilang mahahalagang tip para sa mga may PCOS.

May mga naniniwala na kapag laging sumisigaw ang tao, mas malaki ang posibilidad na magka-goiter. Ang iba naman, naniniwalang tanging ang pagkain ng lamang-dagat ang gamot sa goiter. Totoo nga kaya ang mga paniniwalang ito? Bubusisiin din ito ng mga eksperto ngayong Sabado.

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

Unahin ang kalusugan kasama sina Connie Sison, Dra. Jean Marquez, Doc Dave Ampil II, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias sa Pinoy MD ngayong Sabado, 6-7 AM, sa GMA-7.