Sa kabila ng travel ban na ipinatutupad ng China, nananatili pa ring paborito ng maraming dayuhang turista ang Boracay Island sa Malay, Aklan bilang pangunahing tourist destination sa Western Visayas noong 2014.

Ito ang kinumpirma ni Atty. Helen Catalbas, director ng Department of Tourism (DOT)- Region 6, sa may akda.

Batay sa datos ng Boracay Jetty Port, mahigit 1.47 milyong lokal at dayuhang turista ang dumagsa sa Boracay Island mula Enero hanggang Disyembre 2014.

Ayon sa DOT-6, pinangunahan ng mga South Korean ang mga dumadayo sa isla na naitala sa 263,377. Kasunod ng mga South Korean ang mga Chinese, Taiwanese, Russian, at American.

National

Amihan, shear line, easterlies, patuloy na nakaaapekto sa PH

Matatandaang nagpatupad ang China ng travel ban sa Pilipinas makaraang isang teenager na Chinese ang dinukot sa Zamboanga noong Setyembre.

Una nang tinaya ng DOT-6 na malulugi ng P500 milyon ang industriya ng turismo sa Boracay dahil sa nasabing ban ng China.

Inamin din ni Boracay Jetty Port Administrator Niven Maquirang na dahil sa Chinese travel ban ay hindi natupad ng isla ang target nitong 1.5 milyong tourist arrivals para sa 2014. (Tara Yap at Jun Aguirre)