CAMP MACABULOS, Tarlac City – Isang babae na sinasabing matinik na drug pusher ang naaresto sa buy-bust operation ng awtoridad sa Texas Inn sa Barangay Aguso, Tarlac City, noong Linggo ng madaling araw.

Ayon sa report ni SPO1 Jordan Martin Tolentino, ang inaresto ay si Agnes Arasanso, 38, ng Sitio Paninaan, Bgy. Carangian, Tarlac City.

Nakumpiska mula kay Arasanso ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng hindi pa matiyak na gramo ng shabu at P1,000 marked money.

Umaktong poseur buyer si PO1 Sheena Antonio na naging positibo naman ang resulta.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20