Naniniwala ang mga imbestigador ng National Bureau of Investigation (NBI) na posibleng isinilid sa isang lechon ang P700,000 cash at cell phone upang maipuslit sa loob ng piitan ng NBI at mapasakamay ng 20 high-profile inmate na inilipat sa pasilidad mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

FILE_Delima_File_01Base sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na ikinubli ang mga kontrabando sa pagkain, kabilang ang isang lechon, na ipinasok sa piitan sa selebrasyon noong Bagong Taon.

Sinabi ni De Lima na isa sa 20 preso mula NBP ang humiling ng lechon para sa kanilang selebrasyon sa loob ng selda.

Iginiit ng kalihim na base sa umiiral na batas, hindi dapat pinayagang maipasok ang isang lechon sa piitan.

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

“Somehow, during those times [baka may] lumapit doon sa mga drug inmate na regular detainees na nasa NBI detention facility at baka ‘yun ang posibleng nagpuslit din ng mga contraband na ‘yan, especially cash,” pahayag ni De Lima.

Kinumpirma ni NBI Director Virgilio Mendez na dalawang lechon ang ipinasok sa NBI detention center noong holiday.

Ayon sa ilang imbestigador ng NBI, ang asawa ni Herbert Colangco, isa sa 20 high-profile inmate, ang nag-deliver ng lechon subalit hindi siya pinayagan ng jail guard na makalapit sa preso kaya iniwan na lang niya ang lechon sa gate ng pasilidad.

Sinabi ni Mendez na may dumating na isa pang lechon para kay dating Pagadian City Mayor Samuel Co, na nakakulong din sa NBI, na posibleng naipasok din sa piitan.