NI ELENA ABEN

Umabot sa 20 hinihinalang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang napatay makaraang salakayin ng militar ang kampo ng grupo sa Maguindanao sa nakalipas na dalawang araw, ayon sa ulat ng Philippine Army.

Sinabi ni Capt. Jo Ann Petinglay, tagapagsalita ng 6th Infantry Division, na nakubkob ng mga sundalo ang punong tanggapan ng BIFF 2nd Division na pinamumunuan ni Sukarno Sapal, alyas “Jok,” sa Pedtad, Barangay Midpandacan, Gen. Salipada K. Pendatun, Maguindanao.

Ito ay matapos paulanan ng mortar round at maglunsad ng ground assault ang mga sundalo, dahilan upang abandunahin ng mga rebelde ang kampo.

Metro

Hinahanap daw ang anak: Lolo na may Alzheimer’s nahulog sa creek, nalunod!

Ang law enforcement operation na isinagawa ng 6th Infantry Division ay bunsod ng pag-atake ng BIFF sa mga military detachment sa Maguindanao at Sultan Kudarat na nagresulta sa pagkamatay ng isang sundalo at pagkasugat ng tatlong iba pa noong Sabado.

Nang dumating ang mga rume spondeng tropa ng pamahalaan, agad na umatras ang mga rebelde patungo sa kanilang kampo sa Sitio Pedtad.

Subalit hindi ang mga ito tinantanan ng Army na nagpakawala ng ilang bomba mula sa Howitzer canon simula 6:50 noong Lunes ng umaga.

Sinundan ito ng isang oras na bakbakan ng dalawang grupo.

“Matapos ang isang oras ng bakbakan, nasakop namin ang kampo nila kung saan matatagpuan ang may 50 kubo na may mga barikada, running trench, at konkretong poste na may overhead bunker,” pahayag ni Petinglay.