Jennylyn-Mercado-copy

DAHIL sa pelikulang English Only Please ay muling pinag-uusapan si Jennylyn Mercado na pawang positibo.

Dati kasi ay naging laman siya ng mga pahayagan pero hindi naman maganda ang mga nasulat dahil tungkol iyon sa lovelife niya na hindi naman nagtatagal at kung anu-ano pang resulta ng pagluluka-lukahan niya noon.

Hindi naman itinanggi ni Jennylyn na malaki na ang ipinagbago niya dahil nag-mature na rin naman siya kaya nga umaasa siya na ngayong 2015 ay magtuluy-tuloy ang magandang nangyayari sa career niya.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Mukha naman dahil may bago siyang teleserye sa GMA-7 at sa Pebrero ay may valentine show siya sa SM Skydome, North Edsa.

Nakakatuwa nga ang press release na nakarating sa amin, “Hoy! Sa lahat ng mga baklang tao sa ‘Pinas, abangan n’yo ang My Funny Valentine mula sa producer ng English Only Please sa Friday The 13th, ang pre-Valentine Concert ni Jennylyn Mercado AKA Tere Madlansacay.  Kahit ano mang status ng relationship mo, single, in a relationship, and it’s complicated, makaka-relate kayo sa concert na ‘to.”

Tama lang din na bigyan kaagad ng follow-up projects si Jennylyn habang pinipilahan pa ang English Only Please, di ba, Bossing DMB? --Reggee Bonoan

(Mismo! Tiyak na sold out ang Valentine concert niyang ‘yan.—DMB)

--Reggee Bonoan