OPISYAL nang naghiwalay sina Idina Menzel at Taye Diggs, ayon sa TMZ. Inihayag ng dating magkatrabaho sa Rent ang kanilang pahihiwalay noong Disyembre 2013 pagkaraan ng sampung taong pagsasama bilang mag-asawa.

PHOTO-Idina-at-Taye-copyAyon sa TMZ, si Diggs, 44, ay nagsumite ng petisyon nitong Nobyembre 2014. Sila ay may anak na limang taong gulang, si Walker.

Isinapinale ang kanilang diborsyo sa New York noong Disyembre 3.

Simula nang maghiwalay, kinalimutan ng dating magnobyo ang isa’t isa sa propesyunal na pamamaraan. Si Digss at ang bago niyang nobya na si Amanza Smith Brown, isang modelo ay sabay lumakad sa red carpet ng 2014 BET Awards sa Los Angeles noong Hunyo 29, 2014. Hindi nagtagal, naging bukas siya sa usaping hiwalayan nila ni Menzel.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“I’d be lying if I said there weren’t times when I thought, ‘Oh, man, people are going to trip out [if we split],’” pahayag niya sa Redbook magazine. “There weren’t a lot of couples like us in the theater community—and I know there aren’t a lot of performers as talented as she is...and then you have the whole mixed [race] thing. It was easy for people to root for us.” - Yahoo News/Celebrity