Tahasang kinondena at aapela ang grupong Water For All Refund Movement (WARM) sa Korte Suprema sa ipatutupad na dagdag-singil sa tubig ngayong Lunes, Enero 5, 2015.

Nabatid na kinumpirma ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na P0.38 kada cubic meter ang idadagdag sa singil ng Maynilad at P0.36 kada cubic meter ang ipapatong ng Manila Water bilang Foreign Currency Differential Adjustment (FCDA) at nasa bill na ito sa susunod na buwan.

Dahil dito, muling kinondena ni WARM President Rodolfo Javellana ang pagpapatupad ng dagdag-singil nitong holiday season na layunin, aniya, na maiiwasang may makahirit ng temporary restraining order (TRO) sa Supreme Court (SC), gaya ng taas-pasahe na ipinatupad simula kahapon ng Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT).

Ayon sa WARM, dudulog sila sa Korte Suprema ngayong Lunes, kasabay ng pagpapatupad sa dagdag-singil sa tubig.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Sinabi ni Javellana na maghahain sila ng certified true copy ng kanilang order para maibigay sa Korte Suprema at ito ang gagawin ngayong araw para makakuha ng kopya sa pagsasampa ng kaukulang mosyon sa kataas-taasang hukuman.