Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang ilang bahagi ng Bicol, noong Sabado ng hapon.

Paliwanag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang pagyanig ay sanhi ng paggalaw ng Masbate segment ng Philippine Fault.

Ayon kay Ishmael Narag, officer-in-charge ng Earthquake Prediction Division ng Phivolcs, ang epicenter ng lindol, na naramdaman dakong 12:50 ng hapon, ay nasa layong 20 kilometro sa timog-silangan ng Masbate.

Tectonic ang lindol, na naramdaman ang Intensity 5 sa Masbate City, Intensity 4 sa Irosin, Sorsogon, at sa San Jacinto at Ticao sa Masbate; Intensity 3 sa Baleno, Masbate; Intensity 2 sa Uson, Masbate at Legazpi City; at Intensity 1 sa Cabid-an sa Sorsogon.
Eleksyon

Higit 68K PDLs, makakaboto sa 2025 NLE