Inihayag ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., na wala pa silang nakikitang senyales kung magpapatupad ng balasahan sa gabinete si Pangulong Benigno S. Aquino III.

Ang pahayag ni Coloma ay sa harap ng mga umuugong na balita na magpapatupad ng balasahan ang Pangulong Aquino dahil sa nalalapit nahalalan.

Sinabi ni Coloma na wala pa siyang impormasyon kung may revamp kasunod ng pagbibitiw sa puwesto ni Health Secretary Enrique Ona noong nakaraang buwan.

Bukod kay Ona, sinasabing may balak tumakbo sa 2016 elections ang ilang miyembro ng gabinete kaya posibleng magbitiw din sa kanilang mga puwesto bilang paghahanda sa kanilang kandidatura lalo pa’t sa Oktubre na ang pagsusumite ng certificate of candidacy.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Una na ring tinanggap ni Pangulong Aquino ang pagbibitiw ni rehabilitation czar Sec. Panfilo Lacson na epektibo sa Pebrero 10.