Paulo-Avelino_LITO

NALAMAN namin mula sa isang ABS-CBN insider na si Paulo Avelino na ang pumalit sa role na ginagampanan sana ni Xian Lim sa teleseryeng Bridges.

Ayon sa source namin, very soon ay magkaroon ng pormal na announcement hinggil dito.

May mga inihahanda lang daw na ilang bagay bago pormal na ipahayag na ang boyfriend ni KC Concepcion ang gaganap sa isa sa mga importanteng roles sa serye.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Matatandaan na si John Lloyd Cruz sana ang original na magiging bida sa Bridges pero nagkaroon pa ito ng problema sa kontrata sa Dos. Hindi pa kasi nakakapagdesisyon noon ang aktor kung pipirma muli ng panibagong kontrata sa network na nagpasikat sa kanya.

“Dahil sa pag-iinarte ni John Lloyd Cruz ay napunta ang role kay Xian. Pero knows n’yo naman na siguro ang tsikang naka 30 takes si Xian sa isang importanteng eksena. Pero in fairness, siya na rin naman ang may gustong palitan na lang siya,” sey pa ng source namin.

Dagdag pa rin ng source, nahihiya nga raw si Xian kaya ito na mismo ang nakiusap sa production na tanggalin na lang siya sa serye.

Dagdag pa ng source, may ilang aktor na pinagpilian para pumalit kay Xian pero si Paulo ang higit na nababagay sa role.

Tiniyak ng source namin na may siguradong may mga intrigang lalabas hinggil sa pagkakapili kay Paulo.

“Sa totoo lang naman, lalong humuhusay ngayon si Paulo at halos lahat ng namamahala sa produksiyon, eh, siya talaga ang choice,” sey pa ng source namin.