PANGKALAN BUN, Indonesia (AP) – Umaasa ang mga opisyal sa Indonesia na nakukuha na nila nang paisa-isa ang mga piraso ng AirAsia Flight 8501 makaraang matukoy ng sonar equipment ang dalawang malalaking bahay sa pusod ng dagat, isang linggo makaraang bumagsak ang eroplano dahil sa masamang panahon.

Hinarap ng search team, bitbit ang isang remote-operated vehicle, ang naglalakihang alon at malakas na agos ng tubig sa pagsisikap na makuhanan ng litrato ang nasabing mga bagay para makumpirma ang mga ito, ayon kay Henry Bambang Soelistyo, hepe ng National Search and Rescue Agency.

Natagpuan ang mga bagay noong Biyernes ng umaga ng barko ng Indonesian Navy at pagsapit ng hatinggabi ay sumaklolo na rin ang Geological Survey para sa mas malinaw na pagsipat sa nasabing mga bagay.

May 162 sakay ang Airbus A320 at 30 bangkay pa lang ang natatagpuan.
National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino