blind-copy-copy

ANG pagiging maarte ang dahilan kaya hindi ni-renew ng TV network ang kontrata ng isang aktres na naging dahilan kaya nag-iiyak ito sa kanyang boyfriend.

Tsika ng source namin sa naturang TV network, “Maraming staff ang naartehan sa kanya, may mga ipinagagawa, ang daming tanong, hindi naman diretsong nagrereklamo, pero ‘yung tanong nang tanong at parang dini-delay ang trabaho at late na ngang dumarating sa set, kaya hindi na siya ni-renew ng management.

“Siyempre, ang unang tatanungin naman d’yan ‘yung mga EP (executive producer), mga taong nakakasama niya sa set, eh, halos lahat ayaw sa kanya, so ano pa’ng dahilan para i-renew siya?

National

Anna Mae Yu Lamentillo itinalaga bilang Editor in Chief ng LSE International Development Review

“Unang-una hindi naman siya sikat, pangalawa hindi rin naman siya kawalan sa network maski na magaling siyang umarte o maganda siya, hindi naman ‘yun basehan, di ba?”

Kaya nu’ng hindi raw ni-renew ang maarteng aktres ay nagtatalak at inaway-away ang handler niya na empleyado ng network, na ikinaloka lalo ng management ng network.

Mabuti na lang daw at inalalayan si Aktres ng boyfriend niya na isang aktor din at pinayuhang makakakuha rin siya ng offers sa tamang panahon.

Marahil ay nahimasmasan si Aktres kaya mega-sorry siya sa handler na tinalakan niya.

Sa ngayon ay wala kaming alam na project ng maarteng aktres, ang alam lang namin ay mega-wait to death siya at kung ano ang pinagkakakitaan ay inaabutan siya ng mga kapatid niyang nasa ibang bansa.

Bongga naman pala si Maarteng Aktres, maski walang work, may sustento sa mga kapatid.