Kathryn-Daniel

MINASAMA at nagalit ang KathNiel fans sa naging pahayag ni Rommel Padilla tungkol sa relasyon ng anak na si Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo.

Sa isang interbyu, nagbitaw si Romnel ng payo sa anak na na-misinterpret naman ng fans bilang pakikialam sa relasyon ng dalawa.

Sa mga nakakaunawa, wala namang makitang masama sa naging mensahe ni Rommel.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ganito ang nasabing mensahe ni Rommel sa anak:

“Lagi kong sinasabi, ‘di lang kay DJ, kundi sa lahat ng mga anak ko na ang ipa-prioritize nila is ‘yung karera nila. Ginagawa ko na ngang example ang sarili ko, eh. Kasi nu’ng time ko, wala akong inatupag kundi ang mag-girlfriend nang mag-girlfriend, nakalimutan ko kung ano ‘yung kinalalagyan ko…

“So lumungkot ‘yung karera, di ba? Naging pabaya ako.

“So, ngayon ako bumabawi dito sa aking mga anak. Advantage sa kanila dahil nandito pa ako, (pati) si Tito Robin nila,” pahayag ni Rommel.

Ito naman ang pahayag si Rommel sa mga nagalit na fans sa kanya:

“’Yon nga, eh, na-misinterpret nila ‘yung sinabi ko na kailangan munang isakripisyo ang pag-ibig, na dapat may disiplina… na-misinterpret ‘yung aking pagbibigay ng advice, na parang ang dating ay pinipigilan kong umibig ang anak ko.

“Ni minsan, kahit sa panaginip, hindi ko pakikialaman ang lovelife nila at kung saan sila masaya,” katwiran pa niya.

Ang hindi alam ng KathNiel fans ay botong-boto si Rommel kay Kathryn para kay DJ.

“Kay Kathryn, magaan ang loob ko sa batang ‘yan… At saka, sabi ko nga, wala akong karapatang mangialam sa magiging desisyon ng anak ko, kasi buhay niya ‘yon, eh. Basta nandito lang ako lagi para suportahan siya.”

Sa parte naman ni Daniel, gumawa ito ng paraan para maipaliwanag sa fans ang tunay na hangarin ng ama. Mabuti na lang at humupa na ang tampo ng fans kay Rommel.

“Nagpapasalamat ako na, siguro... marami sa kanila ay naiintindihan ang ibig kong sabihin,” sabi ni Daniel na naghahanda na ngayon para sa taping nila ni Kathryn remake ng Pangako Sa ‘Yo series.

Sisimulan na rin ang pelikula nila na Valentines offering ng Star Cinema.