Brandon Knight

CLEVELAND (AP)- Umiskor si Brandon Knight ng 26 puntos kahapon kung saan ay lumamang ang Milwaukee Bucks sa halos kabuuan ng yugto tungo sa 96-80 win kontra sa shorthanded Cleveland Cavaliers, umentra na wala sa hanay si LeBron James sa ikalawang sunod na laro.

Pinagpahinga si James sanhi ng sore left knee, ang injury na pumuwersa rin sa kanya na maimintis ang laro noong Miyerkules kontra sa Atlanta. Nawala rin si Kevin Love sanhi ng tinamong back spasms, kung saan ay napasakamay ng Cavaliers ang apat na pagkatalo sa limang mga laro. Nagposte si O.J. Mayo ng 15 puntos para sa Bucks (17-16), habang nag-ambag si Giannis Antetokounmpo ng 14 puntos, 8 rebounds at 5 assists.

Nagsalansan si Kyrie Irving ng 25 puntos sa Cleveland, habang nagtala si Tristan Thompson ng 10 puntos at 13 rebounds. Itinarak ng Cavaliers ang 7 puntos sa third quarter, ang pinakamababa sa season.

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

Umarangkada ang Milwaukee sa huling bahagi ng first quarter kung saan ay itinayo nila ang 17-point lead sa unang half. Nakuha pang mailapit ng Cleveland

sa 1 puntos ang pagka-iwan sa huling bahagi ng second quarter, ngunit ang Bucks sa 5 puntos sa break bago binuksan ang ikatlong yugto na mayroong 13-2 run.

Ang kalamangan ng Milwaukee ay humantong sa 22 puntos sa fourth quarter. Napatatag ng Bucks, na nagwagi via overtime sa Charlotte noong Martes, ang kartada sa 7-7 sa kanilang pagdayo.

Taglay ni Knight ang 11-of-19 mula sa field, kabilang na ang apat na 3-pointers, at six assists. Inasinta nina Zaza Pachulia at Khris Middleton ang tig-9 puntos at 8 rebounds.

Sinabi ni James, bago ang laro, na ikinabahala niya ang kanyang tuhod sa halos kabuuan ng season, at ‘di pa niya batid kung siya’y makapaglalaro sa Sabado kontra sa Charlotte. Naimintis niya ang laro noong Disyembre 12 laban sa Oklahoma City at napinsala niya ang kanyang tuhod nang siya’y mapatalon sa ilang hanay ng mga upuan nang kanyang habulin ang loose ball noong Christmas sa Miami.

Si James ay nasa ranggong ikalawa sa NBA na taglay ang 25.2 puntos kada laro, at si Love ay may average na 16.7 puntos at 10.1 rebounds.

Ang Cavaliers (18-14) ay kinapalooban ng ilang injuries. Hindi nakapaglaro si forward Shawn Marion sa ikalawang pagkakataon sanhi ng sprained left ankle. Hindi makakasabak si center Anderson Varejao sa kabuuan ng season nang mapunit ang kanyang kaliwang Achilles tendon noong nakaraang linggo.

Nabigo ang Cavaliers sa Heat noong Christmas Day kung saan ay iyon ang unang pagkakataon na muling nagbalik si James sa Miami matapos na magbalik ito sa Cleveland noong Hulyo. Nagwagi ang Cavaliers sa Orlando noong nakaraang Sabado subalit pinigilan sa sariling tahanan ng Detroit noong Lunes bago naunsiyami sa Hawks noong Miyerkules nang muli silang maglaro na kung sa tao.

TIP-INS

Bucks: Sasailalim si center Larry Sanders (illness), ‘di nakapaglaro sa ikaapat na sunod na pagkakataon, sa pagsusuri ngayon sa Milwaukee. ... Hindi rin nakapaglaro si forward Ersan Ilyasova (concussion) sa ikaapat na pagkakataon. ... Hindi rin napasabak si guard Jerryd Bayless (sore left knee).

Cavaliers: Nakapagsimula rin si center Brendan Haywood, umentra sa pito sa kanyang unang 31 mga laro, sa unang pagkakataon sa season na ito. ... Isinagawa ni coach David Blatt ang liberal na paggamit sa kanyang bench. Nakita sa aksiyon ang lahat ng kanyang 11 manlalaro at si Irving, na naglaro sa loob ng 43 minuto noong Miyerkules, ay binigyan ng pagkakataon na makapagpahinga sa unang quarter.