Ilulunsad na rin sa lungsod ng Vigan, kinilala bilang New Seven Wonders of the World, at paboritong bakasyunan na probinsiya ng Aklan ang family-oriented at community-based physical fitness program na Philippine Sports Commission (PSC) PLAY N LEARN, Laro’t-Saya sa Parke ngayong buwan.

Sinabi ni PSC Research and Planning chief at PSC Laro’t-Saya sa Parke Project Manager Dr. Lauro Domingo Jr. na ang Vigan City ang ika-12 probinsiya habang ang Kalibo, Aklan ang pangkalahatang ika-13 lugar na pagsasagawaan ng programa na inieendorso mismo ng Palasyo ng Malakanyang para sa kalusugan ng bawat mamamayang Pilipino.

“We could reach a total of 15 local government units that will implement our Laro’t-Saya program next year although there are more knocking on our door. Vigan and Aklan supposed to be are scheduled to be launched this year but decided to do it early 2015 so as to complete their year-round program,” sabi ni Domingo Jr.

Ang Vigan City Laro’t-Saya na inaprubahan ni Mayor Eva Marie Singson Medina ay isasagawa sa dinarayong plaza kung saan pinapanood ang dancing fountain habang ang Aklan Laro’t-Saya ay itinataguyod naman ng Provincial Government of Aklan sa pangunguna ni Governor Florencio T. Miraflores.

National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM

Matatandaan na nakumpleto noong Linggo ang ikalawang taon ng Laro’t-Saya sa Burnham Green sa Luneta Park kung saan isinagawa ang dinumog na Zumbathon kasabay ang Volleyball Challenge at Football Festival habang unang taon naman sa Kawit, Cavite na dinayo sa Aguinaldo Shrine and Freedom Park noong Sabado.

Magbabalik ang programa sa Enero 25 sa Luneta na siyang pinagsimulan ng programa sa Manila dalawang taon na ang nakalipas bago sinundan sa Quezon City, Kawit Cavite, Bacolod City, Cebu City, Iloilo City, Baguio City, San Carlos City at Paranaque