Naitala na ng Department of Health (DoH) ang unang kaso ng stray bullet kahapon ng umaga, ilang oras bago ang bisperas ng Bagong Taon.
Ang biktima ay isang 24-anyos na lalaki mula sa Quezon City na tinamaan ng bala sa kanang kamay habang naglalakad.
Isinugod ang biktima sa Manila Central University – Filemon D. Tanchoco Medical Foundation sa Caloocan City.
Kaugnay nito, iniulat ng DoH na umakyat na sa 176 fireworks-related case simula Disyembre 21 hanggang 6:00 ng umaga kahapon.
Mas mababa ang naturang bilang ng 125 kaso o 42 porsiyento kumpara sa nakaraang taon.
Nananatiling ang Piccolo ang nangungunang sanhi ng mga fireworks-related injury sa buong bansa, na bumiktima ng 122 katao o 69 porisyento mula sa kabuuang bilang ng injured victims.