UNITED NATIONS (Reuters)— Ibinasura ng UN Security Council noong Martes ang isang Palestinian resolution na nananawagan ng pag-urong ng mga Israeli sa okupadong West Bank at East Jerusalem at pagtatatag ng isang Palestinian state sa 2017.

Nananawagan ang resolusyon ng mga negosasyon na ibabatay sa territorial lines na namayani bago sakupin ng Israel ang West Bank, East Jerusalem at Gaza Strip sa digmaang Middle East noong 1967. Nananawagan din ito ng peace deal sa loob ng 12 buwan.

Kahit na ang draft ay nakatanggap ng kinakailangang siyam na boto pabor dito, matatalo ito sa isang boto ng pagtutol ng Washington. Ang United States ay isa sa limang veto-wielding permanent members.

Ang walong bumoto nang pabor ay kinabibilagan ng France, Russia at China, dalawang tutol at limang abstentions, kabilang dito ang Britain. Sumali ang Australia sa United States sa pagboto laban sa hakbang
Eleksyon

'Walang Imee, Camille?' DuterTEN, Honasan, Querubin ineendorso ni FPRRD