SAN JOSE CITY, Nueva Ecija – Isang lalaki ang namatay at malubha namang nasugatan ang kanyang nakatatandang kapatid makaraan silang pagtulungang gulpihin ng mga nakainuman nila sa Barangay Abar 1st ng lungsod na ito, noong Lunes.

Sa report ng San Jose Police kay Senior Supt. Crizaldo O. Nieves, Nueva Ecija Police Provincial Office director, nakilala ang nasawi na si Romulo Portacio y Gomez, 32, laborer, may asawa, habang malubha naman si Ariel Portacio y Gomez, 35, driver, may asawa, kapwa taga-Bgy. Abar 1st, San Jose City.

Sa pagsisiyasat nina SPO1 Ariel Alcantara at SPO1 Nonalon Eugenio, dakong 8:30 ng gabi nang bugbugin at pagsasaksakin ang magkapatid ng kanilang mga nakainuman sa nabanggit na lugar.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20