SA nakalipas na sampung taon ng Kapuso Mo, Jessica Soho, kung saan-saang bansa na namasyal, nag-food trip at kumilala ng mayamang kultura ng ibang lahi ang programa. Kaya naman sa unang handog ng KMJS sa 2015, babalikan nito ang hindi malilimutang out of the country trips ni Jessica Soho sa nakaraang isang dekada.

Lilibutin uli ng KMJS ang magical world na Wizarding World of Harry Potter sa Osaka ,  Japan . Mamangha kung paanong naisabuhay ang mga eksena mula sa libro at pelikula sa isang amusement theme park.

Hindi na rin kailangan pa ng visa para makalipad sa Italya, dahil KMJS na ang bahala sa pamamasyal sa Roma, Napoli at Florence. Muling tikman ang mga pagkaing talaga namang “delizioso”!

May Asian food trip din sa bansang Thailand ,  Singapore  at  Macau

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Bibisitahin ding muli ng KMJS ang Russia para saksihan kung paano ginagawa ang Matryoshka dolls at tikman ang ipinagmamalaki nilang Russian chocolates!

Hindi rin makukumpleto ang special episode na ito kung hindi muling mamamalas ang mayamang kultura at kasaysayan ng bansang Mexico .

At sabay-sabay na balikan ang madamdaming paghahanap ni Jessica sa mga kamag-anak niyang Tsino sa isang komunidad sa Guangzhou , China .

Kaya sit back, relax and enjoy dahil hindi na kailangang maghintay ng seat sale sa biyaheng ito! Biyaheng KMJS10 ngayong Linggo, January 4, 7:45 PM sa GMA-7.