Pangungunahan ng kampeon sa National Capital Region (NCR)  National University at ng  Central/Eastern Visayas eliminations  top qualifier  University of San Carlos ang pitong koponan na maglalaban-laban para sa kampeonato ng Shakey’s Girls Volleyball League Season 12 League of Champion na nakatakdang ganapin sa Enero  7–11 sa  Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Tinalo ng NU Lady Bullpups ang University of Santo Tomas sa katatapos na finals ng NCR qualifying leg upang makamit ang pampito at huling slot sa League of Champions.

Ang iba pang finalists ay ang De  La Salle Lipa sa Southern Luzon,  Northern and Central Luzon winner Holy Family Academy,  Tagum City National High School ng Southern Mindanao, Western Visayas champion  St. John’s Institute, at ang nagkamepon sa Northern Mindanao leg Iligan City National High School.

Ang Biñan City sa Laguna ang siyang magsisilbing punong-abala sa Season 13 ng GVL ay mayroon ding koponan na kalahok.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Tiyak na aantabayanan ang kampanya ng NU sa nasabing torneo sa pamumuno nina Faith Nisperos, Rica Diolan, Kristine Magallanes at Jasmin Nabor kasunod ng kanilang pagdomina sa NCR leg matapos nilang walisin ang eliminations bago tinalo ang Kings’ Montessori School sa  semis bago ginapi ang UST  sa  finals.