TANAY, Rizal - Kalaboso ang isang 28-anyos na lalaki matapos niyang saksakin sa leeg ang may-ari ng bahay na nabigo niyang pagnakawan sa Tanay, Rizal kahapon.

Ayon sa report ng Tanay Police kay Rizal Police Provincial Office director Senior Supt. Bernabe Balba, naaresto si Allison Penueco, nakatira sa Barangay Pinagkamaligan, Tanay, matapos saksakin sa kaliwang bahagi ng leeg si Alex Dadar, 49, may asawa, ng Bgy. Plaza Aldea sa Tanay.

Base sa imbestigasyon, dakong 4:00 ng umaga nang umuwi si Dadar ay naaktuhan niya si Penueco habang binubuksan ang closet sa kanilang bahay, kaya nilapitan siya nito at pinagsasaksak.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20