Jennylyn-at-Derek-copy

PINANOOD pala ni Sarah Geronimo angEnglish Only Please at nalaman namin ito dahil naging hot topic sa Twitter.

Aktibo ang fans nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado sa kapo-post ng updates sa English Only Please, kung marami ba ang nanood at saan-saang sinehan ito nag-sold out at higit sa lahat, nakita nilang nanood si Sarah.

Kumalat sa Twitter at Instagram ang ipinost nilang nanood daw si Sarah kasama ang pamilya nito sa Trinoma nu’ng unang araw ng Metro Manila Film Festival. Hindi naman na kami nagtaka dahil malapit lang ang bahay ng mga Geronimo sa nasabing mall.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

At nang malaman ito ni Jennylyn ay nag-tweet kaagad siya ng, “Kilig! Buo na ang Pasko ko!” at “Kinilig ako!!! Fan mode on!!!”

Idol pala ni Jen si Sarah, nakakatuwa naman! Sana nga magsama sila sa iisang project, di ba, Bossing DMB.

(Siguradong riot ‘yan! --DMB)

Masaya si Jennylyn sa magagandang rebyu sa pelikula nila ni Derek at umaasa siyang marami pa ang makapanood nito dahil talaga namang hindi nagsisi ang mga nauna nang manood nito.

Sabay palang nagkaroon ng block screening ang English Only Please sa Trinoma noong Disyembre 25 na isa si Jennylyn sa mga nanood kasama ang anak na si Alex Jazz, at ang leading man naman niyang si Derek ang present sa pa-block screening ng GAOC Dental Clinic sa Glorietta.

Base sa resulta ng ikatlong araw ng Metro Manila Film Festival ay nasa ikaanim na puwesto pa rin ang pelikula nina Derek at Jen at nanatiling nasa unang puwesto ang The Amazing Praybeyt Benjamin, ikalawa ang Feng Shui 2, pangatlo ang My Big Big Bossing, ikaapat ang Kubot: The Aswang Chronicles at panglima ang Shake, Rattle and Roll.

Going back to Sarah, pinanood din kaya ng pamilya niya ang SSR na isa ang boyfriend niyang si Matteo Guidicelli sa mga bida?