Nakahandang magbitiw sa puwesto si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Corazon “Dinky” Soliman kapag iniutos na ito ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III. Ito ang paniniyak kahapon ni Soliman sa gitna ng alegasyong nababalot sa anomalya ang kontrobersiyal na Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng kagawaran.Hinamon din ng kalihim ang alinmang sangay ng gobyerno, partikular ang Commission on Audit (CoA), na nakahanda siyang sumailalim sa imbestigasyon kaugnay ng alegasyon. Sa panayam sa radyo, sinabi ni Soliman na nakahanda siyang sagutin ang alegasyon ng iregularidad sa nasabing programa, partikular na ang pagtanggap ng financial assistance ng aabot sa 364,000 pamilya na wala sa database at hindi dapat na tulungan. “Nasagot ko na po ang isyu na ito matapos naming ma-validate ang listahang ibinigay ng Commission on Audit na naglalaman lamang ng higit 134,000 pangalan, hindi 364,000. Hinanap namin dun sa mga lugar... sa 134,000 names po, 92 percent nakita namin ‘yung tao, nandun sa listahan at tunay na mahirap,” pagdidiin nito. Nilinaw din ng kalihim na tinanggal na rin nila sa listahan ng benepisyaryo ang pangalan ng aabot sa 6,000 pamilya dahil sa mga paglabag sa regulasyon ng programa. Kabilang din sa nasilip ng CoA ang pagkabigo ng DSWD na makapagpatayo ng mga permanenteng malilipatang bahay ng mga survivor ng bagyong “Sendong” sa kabila ng ipinalabas na mahigit P2.5-bilyon pondo.
Eleksyon

Willie, makikipag-away din daw sa senado: 'Para sa mahihirap!'