Dinukot ng armadong kalalakihan ang jail warden ng Compostela Valley at inaalam na ng pulisya kung sino ang may-ari ng sasakyang ginamit sa pagtangay sa biktima.

Sa paunang imbestigasyon, natukoy na mga kasapi ng New People’s Army (NPA) ang nasa likod ng pagdukot kay Jose Mervin Coquilla, ayon kay Supt. Antonio Rivera, tagapagsalita ng Southern Mindanao regional police.

Gayunman, hindi pa ito makumpirma ni Rivera.

Ayon kay Rivera, abala si Coquilla sa kanyang negosyong car wash sa Barangay Sto. Niño sa Panabo City dakong 8:00 ng gabi nitong Martes nang dumating ang apat na armadong lalaki at sapilitan siyang isinama.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sinabi ni Rivera na naplakahan ang getaway vehicle: KGK_131. - Aaron Recuenco