Ni LIEZLE BASA IÑIGO

CABAGAN, Isabela – Siyam na katao, walo sa mga ito ay menor de edad, ang masuwerteng na-rescue bago tuluyang nalunod nang mahulog mula sa tulay ang Isuzu Elf truck na kanilang sinasakyan.

Kinilala ni Supt. Paul Bometivo, tagapagsalita ng Isabela Police Provincial Office, ang mga nailigtas na sina Ferdinand Chua; Kristi Bagunu, 10; Nanette Bagunu, 13, pawang taga-Sta. Maria, Isabela; Eban Baguillan, at apat na iba pa.

Ayon sa Cabagan Police, dakong 2:25 ng hapon nitong Disyembre 23 at tinatahak ng driver ng truck ang Cabagan-Sta. Maria overflow bridge nang biglang mawalan ng kontrol ang driver sa manibela at tuluyang mahulog sa tulay ang sasakyan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nasaktan ang lahat ng pasahero at agad na nanghingi ng saklolo sa takot na malunod pero agad na dumating ang rescue sakay sa isang bangkang de-motor.

“Akala ko katapusan na namin, natakot talaga ako,” sinabi ng isa sa mga menor de edad na pasahero nang kapanayamin sa telepono.