Patuloy ang pagbuhos ng pakikiramay ng mga netizen sa social media sa pamilya ng yumaong traffic constable na si Sonny Acosta, na namatay sa ospital matapos makaladkad ng isang pasaway na motorista sa EDSA kamakailan.

Matatandaan na nabundol at nakaladkad ng Isuzu Sportivo na minamaneho ni Mark Ian Libunao si Acosta nang sitahin ito dahil sa paglabag sa batas-trapiko sa isang bus loading bay sa Quezon City noong Disyembre 19.

Bunsod ng insidente, ilang araw na comatose si Acosta bago ito tuluyang namatay sa cardiac arrest sa intensive care unit ng St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City dahil sa tinamong sugat sa ulo.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to serious physical injuries si Libunao subalit kinokonsidera ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na baguhin ito sa homicide or murder bunsod ng pagkamatay ng traffic constable.
National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza