Angel-Locsin-433x500

LUMABAS sa isang blog site na babalik sa GMA-7 si Angel Locsin pagkatapos ng kontrata niya sa ABS-CBN na labis na ikinagulat ng mga nakabasa, isa na si Bossing DMB.

Kaya agad niyang pinatanong sa manager ng aktres na si Manay Ethel Ramos kung totoo ang tsikang ito sa nasabing blog site.

Nakakatawa ang sagot ng manager ni Angel:

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

“Sino naman ang nagkalat niyan? Hindi pa nga tapos ang contract sa ABS-CBN pinangungunahan na?  Sisimulan na nga ang Darna.”

Oo nga naman, makes sense. Paano lilipat si Angel, e, gagawin pa niya ang Darna sa 2015 bukod sa isa pang pelikula na gagawin nila ni Gov. Vilma Santos plus taga-ABS-CBN din ang future husband niyang si Luis Manzano na imposibleng payagang mawala sa paningin niya ang future wife.

Hindi nga ba’t may sitsit na ang ABS-CBN din ang makakakuha ng coverage ng magiging kasal nina Luis at Angel?

Samantala, tinanong namin si Bossing DMB kung sa anong blog site lumabas ang tsikang ito, “Sa Chisms.”

Natawa lalo kami sa reaksiyon ng isang veteran columnist na nakarinig, “That proves na mas reliable talaga ang print media, kaya nga Chisms.”

Saan nga ba nakuha ng blog site na ito ang tsika nila?