ANAK na handang gawin ang lahat para sa kanyang ina ang karakter na gagampanan ngBagito star na si Nash Aguas sa family drama episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado (Disyembre 27).

Mula pagkabata ay naging pangarap na ni Christian (Nash) na pasayahin ang kanyang nanay na si Liezel (Ara Mina) na labis na nalugmok sa kalungkutan nang iwan ng kanyang asawa.

Nagsumikap si Christian na maging achiever sa pag-aaral at kalauna’y naging miyembro pa ng isang orchestra — isang karangalang inakala ni Christian na lubusang makapagbabalik ng mga ngiti ng kanyang ina.

Anong uri ng kalungkutan ang bumabalot sa isang tao para kitilin ang sariling buhay? Paano kinakayang maging malakas ng isang anak para sa isang ina na suko na sa mga pagsubok ng buhay?

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Makakasama nina Nash at Ara saMMK ngayong Sabado sina Deydey Amansec, Archie Alemanya, Eva Darren, Casey de Silva, Jeffrey Hidalgo, Elaine Quemuel, atJessette Prospero, mula sa panulat ninaArah Jell Badayos at Benson Logronio at sa direksyon ni Nuel C. Naval.