BUTUAN CITY – Pinatay ang isang barangay chairman sa harap ng dalawa niyang anak na lalaki matapos tambangan ng riding-in-tandem sa Barangay Nuevo Trabajo sa San Luis, Agusan del Sur, iniulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Necasio Precioso, chairman ng Bgy. Balit, San Luis.

Ayon sa paunang ulat ng San Luis Municipal Police, kasama ang dalawa niyang anak na lalaki, sakay ang biktima sa isang motorsiklo nang tambangan ng dalawang riding-in-tandem sa liblib na bahagi ng Bgy. Nuevo Trabajo.

Dadalo sana si Precioso sa pulong ng Municipal Peace and Order Council (MPOC) sa munisipyo ng San Luis nang mangyari ang insidente.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Hindi naman nasaktan ang dalawang anak ni Precioso, ayon sa ulat ng San Luis Police.

Tinadtad ng bala ang katawan ng barangay chairman mula sa hindi pa matukoy na uri ng rifle.

Inaalam pa ng San Luis Police ang motibo sa pagpatay, gayundin ang pagkakakilanlan ng mga suspek. - Mike U. Crismundo