Julie-Anne-San-Jose-copy

NOONG Disyembre 13, inangkin ng Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose ang SM Mall of Asia Arena sa pamamagitan ng kanyang unang major solo concert na pinamagatang Hologram.

Ito ang pinakaunang hologram concert dito sa Pilipinas, at mas lalo pa itong naging engrande dahil sa kanyang guests na sina Christian Bautista, Abra, Sam Concepcion, Jonalyn Viray at Frencheska Farr.

Magandang kombinasiyon ng sikat na foreign artists ang inspirasyon ni Julie Anne sa concert niya tampok ang mga kanta nina Ariana Grande, Katy Perry, Nicki Minaj at Beyonce. Ipinakita rin niya ang pagiging bihasa niya sa musika sa isa sa mga numbers niya. Habang tumutugtog sa piano, sabay ring tumutugtog ang kanyang holograms ng violin, guitar, at drums.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa pangkalahatan, successful ang naturang concert.

Tinutukan ng mga manonood ang madamdaming pagkanta ni Julie Anne ng OPM Classics kasama ng mga kapwa niya GMA Artist Center stars na sina Jonalyn Viray at Frencheska Farr.

Ang kanilang pagkanta ng Sana’y Wala Nang Wakas, Sana’y Maghintay Ang Walang Hanggan at Bituing Walang Ningning ang nagpahiyaw at nagpagana sa audience.

Lalo pang lumakas ang hiyawan ng kanyang fans nang magsimulang maluha ang Asia’s Pop Sweetheart habang kinakanta ang Sana Ngayong Pasko.

Ipinakita sa screen ang video clips noong nagsisimula pa lamang siya sa industriya. Naging madamdaming moment ito para kay Julie Anne, lalo pa nang isigaw ng kanyang fans ang “iiyak na ‘yan!”

‘Tila napakawalan ni Julie Anne ang isang napakabigat na dalahin nang magsalita siya tungkol sa mga isyu na ibinabato sa kanya tungkol sa iba pang singers.

“Hindi naman ako nakikipagkumpitensiya. Gusto ko lang naman pong kumanta, eh. Kahit ano pa’ng sabihin nila, ginagawa ko po ito para sa inyo,” pahayag ng singer kasabay ang pagpahid ng luha.

Hindi naman ito naging dahilan para panghinaan ng loob si Julie Anne, sa katunayan ay lalo pa siyang ginanahan sa pagkanta, pagsayaw at pagbigay ng mas matinding performances na lalo pang ikinabilib ng mga tagahanga niya.

Nanood ng Hologram concert ang ilang GMA executives na kinabibilangan nina Senior Vice President for Entertainment Lilybeth G. Rasonable, Vice President for Program Management Joey R. Abacan, Senior Assistant Vice President for Alternative Productions Gigi S. Lara, Assistant Vice President for Talk, Variety, Musical and Specials Darling P. de Jesus, Assistant Vice President for Drama Cheryl Ching- Sy, Assistant Vice President for Talent Imaging and Marketing Unit Simoun Ferrer.

Sinuportahan din ang Asia’s Pop Sweetheart ng iba pang Kapuso stars gaya ng Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, Bela Padilla, Derrick Monasterio, Diva Montelaba, Jeric Gonzales, Stephanie Sol, Mayton Eugenio, Gabbi Garcia, Jak Roberto, Coleen Perez, Sabrina Mann, Phytos Ramirez at Empress Schuck.

Bago tinapos ni Julie Anne ang concert ay pinaakyat niya sa entablado ang kanyang fans para makapagpa-picture kasama niya.