Bimby-Yap

WALANG duda, anak ka nga ni Kris Aquino!" Ito ang tanging nasabi ni Vice Ganda nang ibuking siya ni Bimby na Kevin ang pangalan ng boyfriend niya.

Nagkatawanan ang lahat ng tao sa studio ng The Buzz noong Linggo dahil sa sinabi ni Bimby. Maging ang ina nitong si Kris Aquino ay tawa nang tawa kasama ni Boy Abunda

'''Yan ang mahirap sa live, eh," sambit ni Kris kay Kuya Boy sabay senyas sa anak na lumabas na ng stage.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Si Bimby masarap maging anak," hirit ni Vice Ganda, "si Kris Aquino masarap maging ina, pero hindi sila masarap maging kaibigan lalo na sa akin."

Kaya lalo pang nagkatawanan.

At kaya rin naman pala alam ni Bimby ay naririnig nita ang voice messages nina Vice at Kevin kapag nag-uusap sila, say ni Kris.

Inamin din naman ito ng bida ng Praybeyt Benjamin.

"Kasi lagi siyang nangingialam ng phone ko, merong voice message sa akin 'tapos sinagut-sagot niya, sila na pala ang nag-uusap," sabi ni Vice.

Maya-maya ay lumapit si Bimby kay Vice at humingi ng sorry, at tumatawa namang pinalalabas ng TV host/ comedian ang bagets dahil baka kung ana pa ang mabanggit.

Hindi naman mapigilan muli nina Kris at Kuya Boy ang pagtawa dahil sa kateklasahan ni Bimby.

Nagbiro naman si Vice na dahil sa pambubuking ni Bimby ay baka mauna pa siya sa 1010 niya na kasalukuyang maysakit.

Samantala, mas nakakatawa raw ngayon ang Praybeyt Benjamin kaysa sa una dahil nga kasama na si Alex Gonzaga na maski hindi malaki ang papel ay nakakatawa na sinundan pa ni Bimby na maloloka ang lahat sa kataklesahan at kikiligin naman ang kababaihan kay Richard Yap.

Mapapanood na ang Praybeyt Benjamin sa Disyembre 25, Huwebes at may pa-block screening naman si Kris ng 3 PM sa SM Megamall at 7 PM sa SM MOA sa parehong araw.