Disyembre 22, 1952 nang makumpleto ang unang modelo ng sports car na Chevler Corvette sa United States. Aabot sa $60,000 ang nagastos upang mabuo ito, at una isinapubliko sa GM Motorama show sa Waldorf Astoria Hotel sa New York City.
Nabuo ang unang komersiyal na Corvette noong Hunyo 30, 1953. Ang Assembly line worker na si Tony Kleiber ang nagmaneho rito.
Binubuo ito ng 102-pulgadang wheelbase, isang 6.70-by-15 puldagang gulong, isang 57- (front) by 58.8 (rear)-inch track at isang 18-gallon na tangke ng gasolina. Ang Corvette ay may habang 167.3 pulgada, 69.8 pulgada ang lapad at 51.5 pulgada ang taas. Ito ay may bigat na 2,886 pounds. Umabot sa 183 na Corvette ang naibenta mula sa 300 unit noong 1953.