MUKHANG si Julia Barretto na talaga ang permanent love team ni Iñigo Pascual sa rami ng magagandang feedback simula nang mapanood sila sa Maalaala Mo Kaya kamakailan bukod pa sa mataas ang ratings.

Inigo-PascualNagdesisyon na kasi ang ABS-CBN management na sila na ang pagsamahin sa mga future project, at uunahin na ang Wansapanataym na mapapanood na sa Enero.

Naikuwento ng manager ni Iñigo na si Erickson Raymundo na nakipag-meeting na sa kanya ang magulang ng binatilyo na si Piolo Pascual at mommy nitong si Donna para sa career plan ng bagets.

Ang kahilingan ng magulang ni Iñigo, tapusin muna niya ang high school na ipinangako naman ng bagets kaya hinay-hinay muna siya sa pagtanggap ng mga proyekto.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Bago siya umalis pabalik ng Amerika para roon mag-Pasko ay nag-shoot muna siya ng pelikula nila nina Julia, Nadine Lustre at James Reid under Viva Films.

Samantala, base sa nakita naming picture sa nabanggit na meeting ay in speaking terms naman sina Piolo at Donna pagdating sa kinabukasan ni Inigo, kaya pala masaya ang bagets dahil kahit hindi magkasama sa iisang bubong ang parents ay may komunikasyon pa rin at nagkakasundo pagdating sa kapakanan niya.

Nabanggit din ni Iñigo na kung hindi man magkabalikan ang magulang niya ay okay sa kanya kung may ibang magustuhan ang Daddy Piolo niya.

Pagdating naman kay Piolo, bilib siya sa maayos na pagpapalaki ni Donna sa anak nila.