LOS ANGELES (AP) - Ang Sony ang huling kumpanyang nabiktima ng cyberattack, naisaalang-alang ang seguridad at naisapubliko ang mga email ng mga empleyado sa nakalipas na mga buwan. Sa iba pang hacking, nagkaroon ng access ang attacker sa mga sensitibong impormasyon tungkol sa isang kumpanya at sa mga kostumer nito, gaya ng mga credit card number at mga email address. Isang paraan ng hacking sa isang kumpanya ang pagpapadala ng mga pekeng email na may malisyosong link sa mga inbox ng mga kawani. Narito ang limang simpleng paraan upang tiyaking ligtas ang email:
Maagap at madalas na mag-archive. Karamihan ng corporate email system ay nagpapahintulot sa mga empleyado na regular na mag-archive upang mawala na sa server ang mga email makalipas ang ilang araw. Maaari pa ring makita ang mga archived email sa work computer, pero hindi na ito accessible sa mga website sa labas ng opisina.
Maging organisado. Agad na buksan at sagutin ang mga email na dumarating sa inbox. Ayusin ang mga ito sa mga folder. Sa paghihiwa-hiwalay sa mga email, mahihirapan ang hacker na alamin kung alin sa mga folder ang naglalaman ng mga impormasyong kailangan niya. Maaari ring alisin ang mga sensitibong impormasyon mula sa inbox at ilipat na lang ito sa hard drive o sa external drive.
Paghiwalayin ang personal at work emails. Huwag gamitin ang email sa trabaho sa mga personal na aktibidad online.
Huwag iki-click ang mga hindi pamilyar o inaasahang link at attachments. Kung nakatanggap ng email na may link o attachment na hindi inaasahan, padalahan ang sender ng hiwalay na email at tanungin kung lehitimo ang unang email. Maging maingat at mapag-usisa rin sa mga link.
Kung may napansing kakaiba, agad na ipaalam sa kinauukulan. Kung may napansing kakaiba sa email o sa link o attachment na natatanggap, agad itong i-forward sa IT department ng kumpanya.