Simula nitong Disyembre 20 ay naka-Code White alert na ang mga ospital ng gobyerno bilang paghahanda sa revelry-related injuries o medical conditions, kasunod ng pagdiriwang ng mga Pinoy sa Pasko at pagsalubong sa Bagong Taon.

Inaasahan ng Department of Health (DoH) na lahat ng empleyado ng mga ospital ng gobyerno ay nakaantabay para mai-deploy sa anumang emergency.

Sa ilalim ng Code White, ang mga medical staff sa mga ospital ng gobyerno ay dapat na on call habang 24-oras naman ang duty ng health emergency management staff.

Bukod sa fireworks-related injuries, nakaalerto ang mga health personnel sa iba pang emergency, gaya ng atake sa puso at stroke dahil sa overeating at labis na pag-inom.
Internasyonal

Ilang Pinoy sa Qatar, inaresto at ikinulong dahil sa umano'y 'political demonstrations'