Tinaningan ang mga gang leader ng hanggang sa bisperas ng Pasko para isuko ang lahat ng kontrabando at iba pang ipinagbabawal na gamit na iniingatan ng mga ito sa loob ng maximum security compound ng New Bilibid Prison (NBP) kung ayaw ng mga itong maharap sa maigting na pagpapatupad ng batas ng mga ahensiyang inatasan “[to] turn the facility upside down.”

Pinalugitan nitong Biyernes ni Justice Secretary Leila de Lima ang 15 gang leader sa NBP nang harapin niya ang mga ito sa ikalawang surprise inspection sa Bilibid nang araw na iyon, sa harap ng umano’y pagtatangka ng ilang opisyal ng NBP na lituhin ang mga awtoridad laban sa pagtukoy sa mga ilegal na droga at kagamitan na ipinupuslit sa Bilibid.

Kasama ang maraming tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police-Special Weapons and Tactics (SWAT) team, nagbalik si De Lima sa NBP noong Biyernes ng umaga upang kumpirmahin kung tuluyan nang binaklas ang mga tinaguriang luxury kubol.

Inamin ng kalihim na hindi siya kuntento sa resulta ng raid nitong Lunes, nang madiskubre ng awtoridad ng mga ilegal na droga, pera, sex toys, jacuzzi, mga baril at mga relong Rolex sa mga villa ng mga bilangguang high-profile.

Eleksyon

Makabayan senatorial bets, winelcome ni Ex-VP Leni

Sinabi ni De Lima na may mga report na may nag-tip na taga- Bureau of Corrections (BuCor) sa 19 na high-profile inmate at hinihinalang drug lord kaugnay ng gagawing pagsalakay ng NBI, PNP, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Presidential Anti-Organize Crime Commission (PAOCC).