Maja-Salvador-copy1

NABALI ang sinabi nina Maja Salvador at Gerald Anderson na ayaw nilang magsama sa isang project dahil baka raw hindi sila makaarte nang maayos.

Hindi kasi nila natanggihan ang Dreamscape unit head na si Deo Endrinal nang ialok sa kanila ang Give Love on Christmas special episode na sadyang inisip ng creative department ng production. Sila ang mapapanood sa ikawalang episode ng Christmas serye na magsisimula na bukas.

Kaya sa presscon ng Gift of Life, panay ang tanong sa magkasintahan kung paano sila nakumbinsing tanggapin ang project.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

"Siguro naman nakita n'yo sa trailer pa lang, kakaiba 'yung kuwento, it's a very inspiring story at sa title pa lang ng episode namin, Gift of Life, parang it's a gift namin sa fans, sa audience na, 'yun nga, first time kaming magsasama.

"As much as sinabi namin dati na ayaw namin, pero you know, it's the season of giving, Christmas, so, ito po ang regalo namin sa lahat," sagot ng aktor.

"'Tapos 'pag nasa set, meron kasing iba, grabe ang preparations, grabe pag-isipan ang mga eksena, 'tapos sobrang memoryado 'yung lines," sabi naman ni Maja.

"Parang ako, ang napansin ko lang, parehas kami ng atake na parang hindi paulit-ulit inaaral ’yung eksena. Parang kung saan kami madadala. Kasi mas natural ’yun, eh.”

Sabi uli ni Gerald, “’Yong comfort zone namin, ’yung pagiging komportable, ngayon ko lang ’yun naramdaman ulit for the longest time, so, my work is easy dahil sa kanya.”

Nabanggit din na sa mahigit isang taon na relasyon nina Gerald at Maja ay hindi sila nag-away nang matindi, may kuwento lang ang aktor tungkol sa girlfriend niya.

“Grabe... grabe! Kahit madaling araw na, grabe (ang kulit-kulit pa rin)! Pero nakakatuwang tingnan kasi, alam n’yo na ’yung energizer na battery, parang hindi nauubos. Parang nag-iinom ng energy drink, that’s her,” say ng aktor.

Sa Gift of Life ay gagampanan ni Gerald ang papel ni Tristan na nangangailangan ng kidney transplant sanhi ng aksidente noong bagets pa. Sa kakahanap ng donor ay nakilala niya si Maja, ang magkakaloob sa kanya ng kidney.

Ang Give Love on Christmas Presents The Gift of Life ay mula sa direksyon ni Malu Sevilla.