Richard-Yap-copy

MATUTUWA ang mga tagahanga ni Richard Yap sa kanyang ibinunyag nang interbyuhin siya ni Anthony Taberna sa programang Tapatan ni Tunying na may nilulutong bagong teleserye para sa kanya.

Pagkaraan ng dalawang taon sa ere, natapos na nitong Nobyembre ang top-rating morning series na Be Careful With My Heart na pinagbidahan ng 47 anyos na aktor at ni Jodi Sta. Maria.

“Magpapahinga siguro muna ako ng one month. Nag-iisip na sila ng istorya ng isang teleserye para sa akin na baka simulan sa Pebrero. May ideya na sila pero wala pa ‘yong buong kuwento at cast,” pagbubunyag niya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pangarap ni Richard na magbida sa isang action project, dasal niyang matupad ito sa kanyang susunod na teleserye.

Pero bago bumalik sa TV, patutunayan muna ni Richard kung may ibubuga rin siya sa comedy dahil kasama siya sa The Amazing Praybeyt Benjamin na pingbibidahan ni Vice Ganda.

Bagamat matagal nang napapanood laging masungit o istriktong ang roles sa telebisyon, iginiit ni Richard na natural ang pagiging komedyante niya kaya hindi siya gaanong nahirapan sa naturang pelikula.

“Mahilig naman akong magpatawa. Medyo alaskador din ako dati. O kaya siguro hanggang ngayon,” hirit niya.