Ito ang huling bahagi ng ating paksa tungkol sa mga senyales na kailangan mo nang kumalas sa isang relasyong pawala na at mag-move on. Ipagpatuloy natin...

  • Kapag paulit-ulit na lang ang negatibong situwasyon. - Madaling mapatawad ang minsan. Bibigyan mo ng isa pang pagkakataon ang pangalawa. Ngunit sa pangatlo, isa nang malinaw na indikasyon iyon na may problema ang inyong pagsasama. Kahit ilang beses mo nang inayos ang problema at nangyayari uli ito kalaunan, marahil hanggang doon na lamang ang inyong pagsasama. Puwede ka namang umasa sa isang posibleng pagbabago ngunit lagi ka na lamang bang aasa? Ito na ang dulo ng relasyong inyong tinatahak. Ngunit may future ka pa, at ang pakikipagrelasyon mo ngayon ay hindi ang tamang daan patungo sa future na iyon.
  • Kapag hindi niya pinahahalagahan ang inyong relasyon. - Ang Bawat relasyon ay nangangailangan ng effort ng isa’t isa. Nag-a-apply din ito sa pamilya, mga kaibigan, sa ugnayan mo sa mga may kapanyarihan: teacher, coach, mentor, atbp., at higit sa lahat sa iyong kasintahan. Kailangang kayong dalawa may masigasig na commitment sa inyong relasyon. Kapag ikaw lamang ang palagiang nagbubuhos ng maraming effort sa inyong relasyon, kalaunan matutuyo ang iyong pasensiya hanggang sa wala ka nang maibigay. Kung hindi ito malulunasan agad, lalala ang situwasyon hanggang sa magsumbatan na lamang kayo at mauwi sa pisikalan.
  • Eleksyon

    Makabayan senatorial bets, winelcome ni Ex-VP Leni sa Naga

  • Kapag magkaiba ang inyong pananaw sa buhay. – Upang maging matagumpay ang relasyon, kailangang mayroong pagkakahalintulad sa inyong mga pananaw sa buhay o paniniwala. Ang pagkakahalintulad na ito ang pundasyon ng inyong samahan upang tumibay. Kahit pa may kaunting pagkakaiba, ang pagkakahalintulad sa maraming bagay ang magpapanatili sa inyong nakalutang sa unos ng buhay. Kapag lagi na lamang kayong magkasalungat sa halos lahat ng bagay, ni hindi ninyo mapagkasunduan kung saan pupunta ang inyong relasyon, panahon na upang kumalas at mag-move on.

May mga bagay sa buhay na maaari nang iwan, ngunit hindi ito ang katapusan ng mundo. Simula lamang iyon ng bagong buhay.