ANTIPOLO CITY - Isang pamilya ang nabiktima ng Dugo-Dugo Gang at natangayan kahapon ng P20,000 cash, isang laptop computer at iba pang mahahalagang gadget sa Barangay San Roque, Antipolo City, Rizal.

Ayon sa report ng Antipolo City Police kay Rizal Police Provincial Office director Senior Supt. Bernabe Balba, ang mga biktima ay ang mag-asawang Gilbert Calub, 44; at Annaleah Calub, 44; mga anak na sina Gian Carlo Calub, 12; at Gleo Christof Calub, 7, pawang taga-Pines City Executives Homes sa Bgt. San Roque, Antiipolo City.

Sa imbestigasyon ni PO3 Elvis Mariquina, tumawag sa bahay ng mga Calub ang isang Gilbert Calub at sinabi sa magkapatid na hinuli ng isang Major Alex Gomez ang ama ng mga ito kaya inutusan ang magkapatid na kunin ang P20,000 cash sa aparador, gayundin ang tatlong Samsung gadgets at isang laptop computer.
National

Dahil sa bagyong Gener: 19 lugar sa Luzon, Signal No. 1 pa rin