Kilala na ng mga awtoridad ang suspek na nagtapon ng bangkay ng isang babae sa Tullahan River sa Valenzuela City, noong Lunes ng hapon.

Sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ng Detective Management Unit (DMU) ng Valenzuela Police Station, nakakuha ang mga ito ng witness sa pangyayari.

Kwento ng testigo, na hindi binanggit ang pangalan, dakong 3:00 ng Lunes ng madaling araw, nakarinig siya ng sigaw ng isang babae na humihingi ng tulong. Nang sumilip siya sa bintana ay nakita niya ang isang lalaking hubo’t hubad na may dalang patalim at may hinahabol sa gilid ng Tullahan River, Barangay Marulas, Valenzuela City.

May saksak sa dibdib, kamay at mga tuhod ang biktimang iniahon ng Scene on the Crime Operatives (SOCO) sa gilid ng ilog. Nakuha sa kanyang bra ang aluminum foil at cash na P120. Hindi pa rin nakikilala ang babae at kung taga-saan ito.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Hindi muna inihayag ang pangalan ng suspek pero tiniyak ni P/ Sr. Supt. Rhoderick C. Armamento, hepe ng Valenzuela Police, na madarakip ito sa lalong madaling panahon.