AFP— Sinabi ng Cambodian health authorities noong Martes na mahigit 80 katao -- kabilang ang mga bata at matatanda – na nagpositibo sa HIV/AIDS sa isang malayong pamayaman ang maaaring nahawaan sa pamamagitan ng mga karayom.

Daan-daan na natatarantang residente sa isang pamayanan sa Battambang province sa kanluran ng bansa ang dumagsa sa mga health centre para magpasuri simula nang pumutok ang balita ng mass infection noong nakaraang linggo, at may 82 katao na ang kumpirmadong nahawaan.

“Of 556 people tested, 72 of them came back positive for HIV/AIDS,” sabi ni Teng Kunthy, Secretary General ng National AIDS Authority, sa AFP, idinagdag na 14 sa mga nahawaan ay mga bata.

National

Erwin Tulfo, binisita si ex-VP Leni sa Naga