Bissau (AFP)— Ang pinakamalaking pagsabog ng Cape Verde volcano Pico do Fogo sa loob ng ilang dekada ay sumira sa dalawang pamayanan at nagbabanta sa isang forest reserve, sinabi ng mga opisyal noong Martes.
May 1,500 katao ang napilitang abandonahin ang kanilang mga tahanan bago pa man makarating ang dumadaloy na lava sa mga pamayanan ng Portela at Bangeira sa Fogo islands sa Atlantic archipelago, sinabi ni fire brigade chief Arlindo Lima noong Lunes ng gabi sa national radio.
Ang Cape Verde ay isang volcanic archipelago na binubuo ng 10 isla, siyam ay tinitirhan ng tao na may populasyon na halos 530,000 katao.