Bimby Yap

Ni REMY UMEREZ

KUWENTO ni Vice Ganda, walang special treatment kay Bimby Aquino Yap sa set ng kanilang shooting habang ginagawa nila ang kanilang Manila Film Festival 2014 entry na The Amazing Praybeyt Benjamin komo anak ito ni Kris Aquino.

Pero hindi na raw kailangang ipagbilin ng ina sa kanya na alagaan si Bimby sa set dahil sadyang malapit sa kanya ang bagets. Sobrang charming daw si Bimby tulad ng ina. At higit sa lahat, mahusay daw makisalamuha sa lahat ng uri ng tao si Bimby.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Hindi katakaka-taka na marami na ang nag-aabang sa Praybeyt Benjamin 2 dahil bukod sa maraming followers si Vice ay marami rin ang sabik na mapanood si Bimby sa big screen sa pangalawang pagkakataon.

Gaganap ang bunso ng Queen of All Media bilang anak ni Richard Yap na ang appearance sa pelikula ay itinuturing ding plus factor. Ikagugulat din sabi ni Vice ang performance ni Tom Rodriguez. Kung sabagay, trademark naman na talaga ni Direk Wenn Deramas na tadtarin sa mga sorprsesa at pasabog ang kanyang mga pelikula.

Nakatutuwang isipin na bagamat hindi magkasama ay parehong may MMFF entry ang mag-inang Kris at Bimby. Mapapanood naman si Kris sa horror movie niyang Feng Shui. At sa totoo lang, parehong may laban na mag-number one sa takilya ang alin man sa dalawang pelikula.

Tawa nang tawa ang press nang ikuwento ni Vice Ganda sa kanilang press launch kung paano muling nanaig ang pagiging stage mother ni Kris Aquino habang sino-shooting nila ng bunso nitong si Bimby Aquino Yap ang The Amazing Praybeyt Benjamin.

“May Chinese line na sasabihin si Bimby na medyo may kahabaan at nilapitan ni Kris ang Chinese instructor na kung p’wede itong palitan at iklian. Napapayag naman ang dialogue instructor, pero hindi pa rin kumbinsido si Kris. Gusto niyang simplihan pa ito na pilit sinunod ng instructor. Kalaunan, ni-request na lang ni Kris na bigkasin na lang ito ni Bimby sa Tagalog,” pambubuking ng kinakatuwaang tawagin na ‘asawa’ ng Queen of All Media.

Magkaibigan nga sina Kris at Vice, parehong mahilig mambuking.