Kourtney

ISINILANG na ng modelo na si Kourtney Kardashian ang isang baby boy nitong Disyembre 4, 2014 na naitaon sa ikalimang kaarawan ng kanyang anak na si Mason.

“The family is freaking out with joy,” ayon sa isang source. “What an amazing coincidence.”

Noong Oktubre, sinabi ng modelo sa E! News na mayroon siyang “some ideas” para sa pangalan ng kanyang baby, ngunit, “I want to wait until the baby is born.”

Ahas na mas makamandag daw sa cobra, namataan sa baha sa CamSur

Ito na ang pangatlong anak ni Kourtney, 35, sa kanyang nobyo na si Scott Disick, 31. Ang kanilang pangalawang anak ay si Penelope, 2.

“I’m so happy we’re having a boy,” pahayag ni Kourtney matapos malaman ang kasarian ng kanyang anak. “It’s going to be perfect for our family.”

“I love being pregnant in general,” sabi ni Kardashian sa Fit Pregnancy noong Nobyembre. “This time I’m more tired than I was the other times. I think it’s because I’m always running around and working on different things. But I feel comfortable with how I look and feel. I find a pregnant body to be beautiful and an incredible reminder of what a woman’s body is made to do.”

Halatang komportable ang modelo sa kanyang itsura habang siya ay nagdadalantao. Ibinahagi niya sa publiko ang kanyang hubad na katawan para sa DuJour magazine nitong buwan.”I’m not embarrassed of my body. I’m at my best when I’m pregnant,” paliwanag ng modelo. “It’s such an amazing feeling, the transformation that your body goes through. There’s something about that that’s so empowering and beautiful and I just really embrace it.” (Yahoo/ E! News)