BALAYAN, Batangas - Inaresto ng awtoridad ang isang 33-anyos na truck driver matapos mabunyag ang pangmomolestiya umano niya sa isang 12-anyos na babae sa Balayan, Batangas.

Kinilala ang suspek na si Juvel Rivera, taga-Barangay Sampaga sa naturang bayan.

Ayon sa report ni PO1 Diana Siscar, Disyembre 14 nang inaresto ang suspek dahil sa pangmomolestiya umano sa isang dalagita.

Dakong 5:00 ng hapon noong Sabado, kumukuha umano ng tubig ang biktima nang isama ng suspek sa bahay nito at doon umano minolestiya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Tinakot umano ng suspek ang dalagita kaya hindi ito nagsumbong sa ina.

Sa halip, isinulat na lang ng dalagita ang nangyari, na nabasa naman ng kanyang tiyahin. Lyka Manalo