Isang mangangalakal ang pinaswitan bago binaril ng isang ‘di kilalang lalaki sa Tondo, Manila nitong kahapon ng madaling araw.

“Pssst! Reggie halika!” Ito umano ang sinabi ng suspek sa biktimang si Regidor Kallego, 34, at residente ng Unit 12, Building 34, Temporary Housing, Aroma, Tondo, Manila bago ito binaril ng suspek sa likod.

Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Cris Ocampo, ng Manila Police District (MPD)– Homicide Section, dakong 2:00 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa harap ng Unit 28, Building 34, Temporary Housing, Tondo, Manila.

Nakikipag-usap ang biktima sa mga kaibigan nito sa dilim ay pinaswitan at tinawag siya ng suspek.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Na-curious ang biktima at nilapitan ang suspek dala ang isang flashlight ngunit nang tumalikod ito ay kaagad nang binaril ng suspek.

Mabilis namang tumakas ang suspek na inilarawang may taas na 5’5” hanggang 5’6”, nakasuot ng bull cap, t-shirt at short pants.

Inaalam na ng pulisya ang motibo ng krimen at kung sino ang may kagagawan nito.